Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Naka apelyido sa nanay, ndi pa kasal, illegitimate? Birth Certificate, NSO, PSA, Legitimation, Certificate of LIve BIrth..

Nakarehistro ba ang birth Certificate mo sa Apelyido ng iyong nanay ngunit kasal na ang iyong magulang sa kasalukuyan? pwede mo ng magamit ang apelyido ng iyong tatay. Magpunta lamang sa Munisipyo kung saan ka pinanganak (halimbawa. Caloocan City Hall) at mag sumite ng mga sumusunod: Affidavit of Legitimation ( ipagawa sa abogado) Affidavit of No Previous Marriage (ipagawa sa abogado) Valid ID of Parents Birth Certificate ng bata na ipapalipat ang apelyido.. Sa anumang katanungan maari lamang po na mag iwan ng inyong mensahe sa blog na ito at malugod ko po kayong tutugunan sa abot ng aking nalalaman..
Mga kamakailang post

Walang Birth Certificate? No record sa PSA/NSO? madali lang yan ...

Birth Certificate ay isang natatanging dokumento na sa kasalukuyan ay napakahalaga sa isang tao. Hindi ka lang naman makakapag aral, makapagtrabaho o makakapag ibang bansa kung wala ka nito. Sa kasalukuyang ang Philippine Statistics Authority ang authorized na mag issue nito. Kung kukuha ka lamang ng kopya ng iyong Bith Certificate, maari kang pumunta sa pinakamalapit na PSA branch o kaya naman ay sa mga malls gaya ng SM at Robinsons Malls upang makakuha ng kopya nito. Kapag sa Philippine Statistics Authority (PSA) Office ka pumunta makukuha mo agad ang iyong Birth Certificate, samantalang kapag sa mga malls ka nag request ito ay makukuha mo sa loob ng lima o pitong araw (5-7 working days). Kung ikaw naman ay walang record o hindi naiparehistro ang iyong Birth Certificate, maari kang mag apply for Delayed Registration. Ngunit bago mag umpisa ng proseso pumunta muna sa munisipyo kung saan ka pinanganak at mag request ng Certiifed true copy ng inyong Birth, kapag nakarehistro a...